^

Probinsiya

5-anyos anak utas, panganay 26 beses sinaksak

Joy Cantos, Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

Napagkamalang demonyo at vampire ng inang adik

Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 5-anyos na batang babae na tinabunan ng unan sa mukha habang agaw-buhay ang ate nito makaraang pagsasaksakin ng gunting ng kanilang ina na bangag sa droga matapos silang mapagkamalang demonyo at bampira sa loob ng kanilang tahanan sa Rizal, Laguna kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Catherina Medalla Caponpon na idineklarang dead-on-arrival sa Municipal Health Office ng nasabing bayan habang kritikal ang nakatatanda nitong kapatid na si Keisha Kayle, 11-taong gulang na umano’y nagtamo ng 26 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

 Arestado at nahaharap naman sa kasong parri­cide at frustrated parri­cide ang suspek na si Ana Loraine Capistrano Medalla, 36, na umamin sa krimen matapos umano nitong mapagkamalang mga demonyo ang dalawang anak.

 Sa ulat ni Laguna Provincial Police Office (PPO) Director P/Col. Eleazar Matta, dakong alas-7:45 ng umaga nang maganap ang karumal-dumal na insidente sa loob ng bahay ng pamilya Caponpon sa #279 Viriña Subdivision, Brgy. Tuy,  Rizal, Laguna. Tinabunan ng suspek ang anak ng unan sa mukha habang natutulog habang pinagsasaksak nito ng gunting ang panganay nito nang magtangkang awatin ang ina.

“Dahil sa naka-drugs noong isang araw pa ang suspek at sa pag-aakala niya na ang dalawang anak ay demonyo at vampire,” ayon ni Tibuc.

Agad na inaresto ang ginang na tila wala sa sarili at ngayo’y nakapiit sa Rizal Jail.

vuukle comment

5YEARS OLD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with