^

Probinsiya

2 miyembro ng ‘Scorpion Group’ natimbog

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
2 miyembro ng �Scorpion Group� natimbog
Kinilala ni P/Colonel Francisco Jarcia Lucena III, hepe ng pulisya rito ang mga suspek na sina Leo Loyola na may mga alias na Leo Arayata at John Roa, 25-anyos, ng 120 Capt. Villareal St., Brgy. 36A, Cavite City, at Klarc Dave Tamondong, 24-anyos; kapwa mi-yembro ng Scorpion Group at nasa listahan ng mga HVTs ng Cavite Police.
File

CAVITE , Philippines — Naaresto ng puwersa ng Cavite City Police ang dalawang kilabot na miyembro ng “Scorpion Group” na mga high value target (HVT) ng pulisya sa magkasunod na operasyon na ikinasa kamakalawa sa nasabing lungsod.

Kinilala ni P/Colonel Francisco Jarcia Lucena III, hepe ng pulisya rito ang mga suspek na sina Leo Loyola na may mga alias na Leo Arayata at John Roa, 25-anyos, ng 120 Capt. Villareal St., Brgy. 36A, Cavite City, at Klarc Dave Tamondong, 24-anyos; kapwa mi-yembro ng Scorpion Group at nasa listahan ng mga HVTs ng Cavite Police.

Sa ulat, unang isinagawa ng pulisya kasama ang PDEA-Cavite ang drug bust laban kay Loyola. Nakipag-deal sila sa suspek sa bentahan ng droga at nang magpositibo ang transaksyon ay agad siyang inaresto at nakuhanan ng ‘di pa mabilang na gramo ng shabu at mga drug paraphernalia.

Samantala, sa bisa ng warrant of arrest sa kasong robbery na inisyu ni Judge Amy Ana De Villa Rosero ng RTC Branch 16, Cavite City ay dinakip ang suspek na si Tamondong.

vuukle comment

HVT

SCORPION GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with