^

Probinsiya

Lalaking nakaposas pinatay, sinunog

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
Lalaking nakaposas pinatay, sinunog
Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin matukoy ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima dahil sa sobrang pagkakatusta dito.
File

CAVITE, Philippines — Mistulang inihaw na baboy ang kinahinatnan ng isang lalaki matapos patayin ay sinunog pa habang nakaposas ng mga hindi pa kilalang salarin at itinapon ang katawan nito sa madamong bahagi ng Abaya Road, Brgy. Toclong, bayan ng Kawit kahapon ng madaling araw.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin matukoy ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima dahil sa sobrang pagkakatusta dito.

Sa ulat na nakalap mula sa Kawit Police, alas-3:30 ng madaling araw nang makatanggap ng tawag ang kanilang himpilan kaugnay sa pagkakatagpo sa isang sunog na tao sa kahabaan ng  Abaya Road, Brgy. Toclong ng nabanggit na bayan.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, naka-handcuff pa ang mga kamay ng biktima sa likuran nito nang matagpuan ng ilang residente. Wala namang nakuha ang mga imbestigador na anumang  identification (ID) o ebidensya para sa pagkakakilanlan ng biktima.

Pinalalagay ng pulis­ya na maaaring mula sa ibang brgy. ang biktima at itinapon at sinunog lamang siya sa nasabing lugar.

Nagsasagawa pa ng masusing pagsisiyasat ang pulisya upang matukoy ang biktima, ang res­ponsable sa pagpatay at kanilang motibo sa krimen.

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with