^

Probinsiya

2 dayong Bumbay huli sa P4.7 milyong shabu

Joy Cantos, Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
2 dayong Bumbay huli sa P4.7 milyong shabu
Hindi na nakatakas nang palibutan ng mga nakatagong operatiba ang mga suspek na kinilalang sina Ramil Baraguir Modin, 43-an­yos, residente ng Quirino Avenue, Brgy. La Huerta at Guiamel Manamden Abdul Kadir, 36-anyos, ng Multinational Village, pawang sa Parañaque City.
File

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Arestado ang dalawang Indian nationals na dumayo pa matapos mahulihan ng P4.7-milyong halaga ng illegal na droga sa inilatag na joint anti-drug operation na pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) malapit sa isang public cemetery sa Brgy. San Isidro sa Iriga City, Camarines Sur kahapon ng umaga.

Hindi na nakatakas nang palibutan ng mga nakatagong operatiba ang mga suspek na kinilalang sina Ramil Baraguir Modin, 43-an­yos, residente ng Quirino Avenue, Brgy. La Huerta at Guiamel Manamden Abdul Kadir, 36-anyos, ng Multinational Village, pawang sa Parañaque City.

Sa ulat ni PDEA Regional Director Christian Frivaldo, sa tulong ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation, 9th Infantry Batallion ng Philippine Army, Camarines Sur at Iriga City Police, inilatag ng kanyang mga tauhan sa pangunguna ni Agent Enrique Lucero ang buy-bust operation laban sa mga suspek dakong alas-9 ng umaga.

Agad na inaresto ang da­lawang Bumbay matapos na iabot sa ahente ng PDEA na umaktong poseur buyer ang dalawang malaking bungkos ng transparent plastic cellophane na naglalaman ng 700 gramo shabu at may market value na P4.7-milyon.

Maliban sa droga, sinabi ng PDEA na nabawi pa sa dalawang dayuhan ang tatlong bundle ng boodle mo­ney na ginamit sa buy-bust, cellphone na kanilang gamit sa ilegal na transaksyon at isang sling bag.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with