Call center na POGO ipinasara
ANGELES CITY, Philippines — Isang call center na hinihinalang front ng pasugalan ng mga Chinese ang ipinasara pansamantala ng mga tauhan ni Angeles City Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin Jr. matapos matuklasan na walang kaukulang permit sa pag-ooperate sa Junhunyun Building, Fil-american Friendship Hi-Way Brgy. Pampang noong Biyernes ng gabi.
Sa ulat sa tanggapan ni Police Station 2 Commander P/Maj. Fercel Deloria, nasa 79 Chinese national at 14 Pinoy ang mga empleyado ng Golden Build Limited Inc, isang call center pero sinasabing nasa ilalim ito ng Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) firm na taliwas sa kanilang deklarasyon ng negosyo na call center services.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya at nakikipag-ugnayan na sa tanggapan ng Bureau of Immigration ang pamahalaang lokal ng Angeles kung may kaukulang dokumento sa pagtatrabaho sa bansa ang mga Chinese nationals.
- Latest