^

Probinsiya

Parak malubha sa aksidente

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Malubha ang isang sarhento ng pulisya matapos araruhin ng kanyang sasakyang Isuzu Highlander ang isang kotse at trak na nakaparada sa Barangay Diamantina, Cabatuan, Isabela kahapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Police Staff Sgt. Harvey Sagaysay alias “Harvey Comb” , 38-anyos, ng Brgy. Ambatali sa bayan ng Ramon. Nabatid na patungo sa kanyang duty sa bayan ng Luna si Sagaysay nang pinaniniwalaang inantok habang nagmamaneho at banggain ang Toyota Vios at pagkatapos ay isa pang Elf truck na parehong nakaparada sa tabi ng daan dakong alas-4:30 ng umaga.

Dahil sa matinding salpukan ay nayupi nang husto ang mga sangkot na sasakyan habang nagkabali-bali ang buto ni Sagaysay na isinugod ng mga sumaklolo sa isang pribadong ospital. 

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with