^

Probinsiya

Bagong silang sa beybi itinapon sa kakahuyan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Bagong silang sa beybi itinapon sa kakahuyan
Ang bagong silang na babaeng sanggol na may ambilical cord pa pero himalang nabuhay matapos itapon ng kanyang walang awang ina sa ilalim ng mga ba-kawan malapit sa tabing dagat sa Brgy. Bonot, Calabanga, Camarines Sur kamakalawa.
Jorge Hallare

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines — Hinahanap na ang isang ina matapos na itapon ang kanyang bagong panganak na babaeng sanggol sa ilalim ng mga kahoy na bakawan malapit sa dagat sa Brgy. Bonot sa bayan ng Calabanga, Camarines Sur kamakalawa ng hapon.

Himala namang nakaligtas ang sanggol na patuloy na inoob-serbahan sa ospital na pinangalanan ng mga residenteng nakakuha sa kanya na si “Angela Mirah”.

Patuloy pang ina­alam ng mga pulis    ang pagkakakilanlan ng nanay o suspek na posibleng nagtapon ng kanyang anak.

Sa ulat, dakong alas-4 ng hapon, nari-nig ng ilang mga bata na naninirador ng ibon ang iyak at palahaw ng isang sanggol mula sa bakawanan.

Agad nilang hina­nap at natagpuang nakadapa ang sanggol na nakakabit pa ang kanyang umbilical cord at placenta habang kalunus-lunos ang kalagayan nito dahil pinapak na ang mukha at ilang bahagi ng katawan ng mga langgam.

Humingi ng saklolo ang mga bata at isinugod ng mga rumespondeng rescuer ng bayan ang sanggol sa Rural Health Unit ng Calabanga para sa paunang lunas saka isinugod sa Bicol Medical Center sa Naga City.

vuukle comment

SANGGOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with