^

Probinsiya

Head teacher, ex-kagawad at sekyu tiklo sa buy-bust

Raymund Catindig, Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan , Philippines — Bagsak kalaboso ang isang head teacher ng pampublikong paaralan, isang dating kagawad at security guard ng isang burger chain matapos na maaresto sa ikinasang drug buy-bust operation sa Cauayan City at Cabatuan, Isabela kahapon.

Kinilala ang dinakip na guro na si Mark Dominic Antonio, 37, matapos bentahan ng isang sachet na shabu ang undercover agent.

Ayon kay P/Lt. Col. Gerald Gamboa, director ng Cauayan City Police, si Antonio ay nadakip ng pinagsanib na puwersa ng Cauayan City Police at Philippine Drug Enforcement Agency-Cagayan Valley (PDEA-Region 02) sa buy-bust operation sa Brgy. District 1, dakong alas-12:30 ng madaling araw kahapon. 

Nabatid na galing sa isang inuman na inabot ng madaling araw si Antonio nang maganap ang operasyon.

Kaugnay nito, nagpahayag ng pagkabigla at kalungkutan si School Division Superintendent  Alfredo Gumaru sa pagkakadakip ng isa nilang  nirerespetong guro na kanilang isinailalim sa pagsisiyasat kung nararapat sampahan ng kasong administratibo.

Sa bayan ng Caba- tuan, arestado rin si dating Kagawad Joey Angangan ng Barangay Sampaloc at sekyung si Achilles Tones nang bentahan nila ng isang sachet ng shabu ang poseur buyer ng pulisya sa Barangay Luzon. Pawang mga high value targets ang dalawa na matagal nang minamanmanan ng mga awtoridad.

vuukle comment

BUY BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with