^

Probinsiya

Sex den ni-raid: 10 babae nasagip, 2 Koreano timbog

Joy Cantos, Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

Sampung babae ang nasagip ng mga otoridad habang dalawang Koreano ang nasakote matapos salakayin ang dalawang bahay na ginawa umanong sex den sa Angeles City, Pampanga, kahapon.

Batay sa ulat ni Police Regional Office (PRO) 3 Director Police Brig. Gen. Joel Napoleon Coronel, nagsagawa ng joint operations ang Regional Anti-Trafficking in Persons Task Group, Regional Anti-Cybercrime Office 3 at Regional Mobile Force Battalion sa No. 68, New York St., Villasol Subdivision, Brgy. Anonas at No. 350 A Paulette St., Josefaville Subdivision , Brgy. Malabanias; pawang ng lungsod.

Ang operasyon ay sa bisa ng search warrant na inisyu ni Presiding Judge Irene Zenaida Buan ng Regional Trial Court (RTC) Branch 56.

Unang naaresto sa operasyon si Jeung Woork Pyo alyas “Kei”, nangungupahan sa nabanggit na apartment sa Josefaville Subdivision, Brgy. Malabanias ng lungsod.

Sumunod namang nasakote si Park Kicheri alyas “Ge-rald” nanunuluyan naman sa naturang apartment sa Villasol Subdivision, Brgy. Anonas, Angeles City.

Sinabi ni Coronel na nasagip ang sampung kababaihang ni-recruit ng mga suspek bilang massage attendant sa kanilang illegal massage business pero may ‘extra service’ o ‘sex’ sa kanilang mga kustomer na kalalakihan.

Nabatid na nabisto ang sex trade ng dalawang Koreano matapos magreklamo ang ilang naging parukyanong nahawaan ng sexually transmitted disease (STD) mula sa mga babae.

vuukle comment

SEX DEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with