^

Probinsiya

24 wanted sa batas, nadakip sa Cagayan

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Naaresto ng mga operatiba ng Cagayan PNP ang 24 katao kabilang ang 12 top most wanted sa magkakahiwalay na operasyon ayon sa ulat kahapon.

Batay sa report ni P/BGEN John Cornelius Jambora, officer-in-charge (OIC) ng Police Regional Office-02 sa Camp Crame, kinilala ang mga nahuling top most wanted mula sa iba’t ibang bayan ng Cagayan na sina Romel Durain, No. 1 most wanted sa bayan ng Tuao; Andres Saquing, No. 1 sa bayan ng Solana; Benjamin Cadoy, Top 3 sa bayan ng Lasam; Proceso Arimatea, Top 6 at Ricky Labbao, Top 10 na kapwa wanted sa bayan ng Aparri; John Mark Dela Cruz, Top 5 sa bayan ng Abulug; Mark Jover Frigillana, Top 10 sa bayan ng Claveria; Dante Padilla, Top 10 sa bayan ng Piat; Dante Banez, Top 5 sa bayan ng Sta. Teresita; Carlo Sabino, Top 5 sa bayan ng Amulung; Maricar Duerme, Top 8 sa bayan ng Calayan at Jimmy Dela Rosa, Top 5 most wanted sa bayan naman ng Baggao.

Kinilala ang iba pang mga naarestong wanted na nahaharap sa iba’t ibang kaso mula sa iba pang bayan ng Cagayan na sina Jacinto Quequegan; Amciel Ramos; Paquito Juan; Santiago Bulaqui; Baltazar Galiza; Aimar Raras; Christopher Angustia; Mario Espe; Federico Arteta; Mariano Gumme Jr.; Alex Corpuz at Edmar Pagaran.

vuukle comment

12 TOP MOST WANTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with