^

Probinsiya

4 sugatan sa road mishap

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
4 sugatan sa road mishap
Sinasabing galing sa laklakan ang dalawang sakay na menor-de-edad ng kotse nang mahulog sa irigasyon ng Brgy. San Miguel, Luna, dakong alas-11:40 ng gabi.
FILE

Malubhang nasugatan ang apat na katao matapos mahulog sa irigasyon at palayan ang kanilang sasakyan sa magkahiwalay na aksidente sa Luna, Isabela at Bacarra, Ilocos Norte noong Miyerkules.

Sinasabing galing sa laklakan ang dalawang sakay na menor-de-edad ng kotse nang mahulog sa irigasyon ng Brgy. San Miguel, Luna, dakong alas-11:40 ng gabi.

Sa report na nakarating kay Captain Jonathan Binayug, hepe ng PNP Luna, iniwasan umano ng 17-anyos na binatilyong drayber ang tumawid na kalabaw sanhi upang nagtuloy ito sa kanal.

Ayon naman sa mga nakasaksi, sobrang tulin ang takbo ng sasakyan at walang kalabaw sa lugar noong maganap ang insidente.

Isinugod ang binatilyo at kasama nito sa isang pribadong pagamutan.

Sa Bacarra, nawalan ng preno ang minamanehong cement mixer ni Eric Fiesta, 42, sa kurbadang bahagi ng kalsada sa Brgy. Buyon kaya nahulog sa palayan dakong alas-10:42 ng umaga.

Agad namang naisugod ng mga sumaklolo sa pa­gamutan si Fiesta at kasama nitong si Kevin Villegas, 22.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with