^

Probinsiya

Bagong laya sa droga, utas sa buy-bust

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Bagong laya sa droga, utas sa buy-bust
Ang tumimbuwang na suspek ay si Perk Lebrojo, 38, re­sidente ng B7, L11, Brgy. Poblacion 2, GMA, Cavite.
FILE

Patay ang isang bagong laya pa lang sa kasong droga matapos manlaban sa mga otoridad sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Gen. Mariano Police sa Mayor’s Drive, Brgy. Delas Alas, sa lalawigan ng Cavite, kahapon ng madaling araw.

Ang tumimbuwang na suspek ay si Perk Lebrojo, 38, re­sidente ng  B7, L11, Brgy. Poblacion 2, GMA, Cavite.

Sa ulat, ikinasa ang ope­rasyon labang sa suspek sa naturang lugar dakong alas-12:15 ng madaling araw matapos na muling magpositibo na nagpatuloy ito sa pagtutulak ng droga.

Sakay ng isang motorsiklo nang dumating ang suspek sa pinag-usapang lugar kung saan isang pulis ang tumayong buyer.  Ngunit nakatunog umano ito na pulis ang kanyang ka-deal kung kaya’t agad na bumunot ng baril at pinaputukan ang pulis na agad namang nakaganti na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.

Nabatid mula kay P/Major Romulo Co dela Rea, hepe ng pulisya sa naturang bayan na may dalawang buwan pa lang umanong nakakalaya sa kaso ring droga ang napatay na suspek.

vuukle comment

BUY BUST

DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with