^

Probinsiya

Kotse salpok sa gate at bus: Estudyante patay, 3 kritikal

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Isang estudyante ang patay habang tatlo pa ang nasa malubhang kalagayan makaraang sumalpok ang kani­lang kotseng sinasakyan sa isang konkretong gate at pampa­saherong bus sa kahabaan ng E. Aguinaldo Highway, Brgy. Lalaan 2nd, Silang, lalawigang ito 

Kinilala ni P/Major Resty Soriano, hepe ng pulisya ang nasawi na si Ralph Resare, 19-anyos ng Richmond Homes, Brgy. Navarro habang kritikal ang mga kasamang estudyante na sina Charmaine Garcia, 19; estudyante ng Brgy. Bacao 1, Purok 3, Gen. Trias City;  Danica Faith Posadas, 18, ng Richmond Homes, Brgy. Navarro, Gen. Trias City at Gabriel Macasojot, 19, ng Richmond­ Homes, Brgy. Navarro, nasabing lungsod.

Hawak naman ng pulisya ang driver ng kotse na si Mark Alba, 22, isa ring estudyante ng Lancaster, Brgy. Navarro, Gen. Trias City.

Sa ulat, ala-1:55 ng madaling araw habang sakay ang mga estudyante ng Toyota Vios Sedan (AJA-1615) na minamaneho ni Alba patungong North direction nang biglang mawalan sila ng preno kung kaya  tuluy-tuloy ang sasakyan na sumalpok sa konkretong gate na pag-aari ni Justina Manalo Servas, 73, sa Purok 5, Brgy. Lalaan 2 at pati ang tindahan nito ay nawasak din.

Pagkabangga sa gate, hindi pa rin tumigil ang sasakyan hanggang sa makabig pa ng driver ang manibela at sumalpok sa isang pampasaherong Kersteen bus (UVM-469) na nakatigil ng mga oras na iyon.

Sa lakas ng impact, total wreck ang kotse at naipit ang mga estudyante na ikinamatay ng isa habang malubha ang tatlo.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with