^

Probinsiya

Motor sinuwag ng bus: Mister dedo, misis grabe

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

PAGBILAO, Quezon, Philippines — Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang isang mister habang malubhang nasugatan ang kanyang misis makaraang banggain ng bus ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa national highway na sakop ng Brgy. Binahaan, bayang ito kamakalawa ng hapon. Nagtamo ng gra­beng pinsala sa ulo at katawan si Victor Romey, 43-an­yos, magsasaka ng Buenavista, Quezon sanhi ng kanyang pagkasawi habang patuloy na inoobserbahan sa Quezon Medical Center (QMC) sa Lucena City ang asawa nitong si Maribel, 43. 

Sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon habang sakay ang mag-asawa sa Bajaj motorcycle at patungo na sa kanilang bahay na may layong 60 kilometro nang pagsapit nila sa Sitio crossing ng highway ay binangga sila mula sa kabilang linya ng Manila bound DLTB bus (AAX-1481) na minamaneho ni Ricardo Romualdo Jr. Dahil sa lakas ng pagkakabangga, tumi­lapon ang motorsiklo kasama ang mag-asawa na una ang mga ulong bumagsak sa sementadong kalsada. Nahaharap sa kaukulang kaso ang bus driver na nakapiit sa municipal jail.

vuukle comment

MOTOR ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with