^

Probinsiya

Misis kinatay ng asawa sa selos

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines —  Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng ang isang 33-anyos na misis matapos pagsasaksakin ng kanyang mister dahil sa hinihinalang matinding pagseselos sa may baybayin malapit sa kanilang bahay sa Brgy. Poblacion West sa bayan ng Milagros, Masbate noong Sabado ng madaling araw.

Duguan at wala nang buhay habang nakahandusay sa baybayin nang matagpuan ng kanilang mga kapitbahay ang biktimang si Cherryl Mata Tucas. Naaresto naman ng mga rumespondeng pulis ang asawa ng biktima na si Joseph Santiago Tucas, 44-anyos, isang construction worker at pawang residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong ala-1:20  ng madaling araw nang marinig ng mga kapitbahay na nag-aaway ang mag-asawa sa may dalampasigan hanggang sa makitang pinagsasaksak na ng mister ang kanyang misis sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Agad na namatay ang biktima dahil sa tinamong malalalim na sugat sa katawan.

Nagtangkang tumakas ang suspek pero nadakip ng mga rumespondeng pulis.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pamamaslang at isa sa anggulong tinitingnan ng pulisya ay ang selos.

 

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with