^

Probinsiya

Parak nilooban, kawatan todas sa shootout

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang hinihinalang magnanakaw ang napaslang habang arestado ang ka­sama nito makaraang maki­pag­barilan sa mga awtoridad na aaresto sa kanila nang kanilang looban ang bahay ng isang pulis sa Purok Cadena De Amor, Poblacion, President Quirino, Sultan Kudarat, Sabado ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Taras Duma Abdul, 35-an-yos, may asawa at residente ng Purok Limsi, Buluan, Maguindanao habang ang nadakip na kasama nito ay nakilalang si Aries Mamolandi, 20, ng Brgy. Digal, Buluan, Maguindanao.

Sa ulat, alas-3:30 ng hapon nang makipagbarilan umano ang dalawang suspek sa mga rumespondeng pulis habang sakay ng kanilang kulay itim na Bajaj motorcycle (MC 16928).

Bago ang insidente, pag-uwi ni P/MSgt. Noel Fortez sa kanyang bahay ay naabutan nito na nakabukas ang pinto at naaktuhan ang mga suspek na armado ng kalibre. 45 na pistol at naghahalughog. 

Agad na sinita ni Fortez ang mga suspek at tinanong kung bakit sila nasa loob ng kanyang tahanan pero big­lang tumakbo ang dalawa sa likurang bahagi ng bahay. 

Agad tumawag ng res­ponde ang nasabing parak at inalerto ang checkpoint. 

Agad na hinabol ng na­sabing pulis ang mga suspek at isa sa kanila ay una umanong nagpaputok dahilan para gumanti ng putok ang pulis na ikinasawi ng isa at naareso ng mga rumes­pondeng parak ang isa pa. 

Nakuha sa mga suspek ang isang granada, sachet ng shabu,  baril at bala.

vuukle comment

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with