^

Probinsiya

Multicab salpok sa poste: 16 nasaktan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Labing-anim na pa­sahero ang nasugatan makaraang aksidenteng bumangga sa poste ng kuryente ang isang pampasaherong multicab sa lungsod ng Cebu nitong Sabado ng umaga.

Sa ulat ng Cebu City Police, bandang alas-11 ng umaga nang mangyari ang sakuna sa kahabaan ng Gorrordo Avenue at N. Escario Street sa nasabing siyudad. Kasalukuyang minamaneho ni Charles Rey Dugoy, 20-anyos ang multicab nang mawalan siya ng kontrol sa manibela habang pahinto na sana dahil naka-red light na ang ilaw trapiko sa intersection ng highway.

Ang nasabing multicab ay may biyaheng Lahug-SM route at nang pilitin nitong imaniobra ang sasakyan sa kaliwang bahagi ay aksidenteng sumalpok sa poste ng kuryente.

Sa lakas ng pagkaka­bangga, 16 sa mga pa­sa­hero ni Dugoy ang na­saktan at mabilis na binigyan ng first aid ng mga nagrespondeng emergency personnel ng rescue unit ng pamahalaang lungsod. 

Ang ibang dumaing ng matinding pananakit ng ulo at katawan bunga ng aksidente ay isinugod sa Vicente Sotto Memorial Medical Center para mabigyan ng karampatang lunas.

 Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple phy­sical injuries ang driver ng multicab.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with