Top most wanted, 6 pa nadakma
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Pitong katao kabilang ang isang top most wanted person ng Nueva Vizcaya ang naaresto ng mga awtoridad sa magkakahiwalay na operasyon kamakalawa.
Kinilala ni P/Col. Chevalier Iringan, tagapagsalita ng Police Regional Office 2, ang naarestong mga suspek na sina Alvin Ganceña, 24, Top 1 most wanted sa provincial level dahil sa kasong rape, at residente ng Brgy. Homested, Bambang, Nueva Vizcaya.
Kinilala ang iba pang mga nahuli na nahaharap sa iba’t ibang kaso na sina Jet dela Cruz, 21, residente ng Purok 3, Brgy. Quimalabasa Norte, San Agustin, Isabela sa kasong homicide; Chadvic Buyayo, 28, ng Brgy. Didipio, Kasibu, Nueva Vizcaya sa kasong murder; Juanito Lauriano, 30, ng Brgy. Minuri, Jones, Isabela sa kasong physical injuries; Dominador Nacional, 55, ng Darapidap, Aritao, Nueva Vizcaya dahil sa kasong theft; Brendo Bryan Oria, 34, ng Brgy. Liwayway, Diffun, Quirino sa kasong frustrated homicide at Erickson Obias, 32, miyembro ng Philippine Marine Corps (MSEG) at residente ng Barangay Castanos Lejos, Gen. Emilio Aguinaldo, Cavite City dahil sa paglabag sa R.A. 9262 o violence against women and children).
- Latest