^

Probinsiya

Lider ng gun-for-hire, 2 pa utas sa shootout

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang umano’y lider ng isang notoryus na gun-for-hire syndicate at dalawa nitong tauhan matapos na kumasa sa mga awtoridad sa isinagawang pagsa-lakay sa kanilang hideout sa Cagayan de Oro City nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang napas­lang na lider ng mga hired killers na si Marvin Fajardo habang inaalam ang pagkakakilanlan ng dalawang tauhan nito.

Sa ulat ni Police Regional Office (PRO)-10 director, P/Brig. Gen. Rafael Santiago Jr., dakong alas-6:45 ng gabi nang umano’y maganap ang shootout habang isinisilbi ang warrant of arrest laban kay Fajardo sa kasong direct assault na inisyu ni Judge Michelle Ma-naig-Calumpong, presi-ding judge ng 4th Judicial Region, Municipal Circuit Trial Court ng Tanauan City, Batangas noong Disyembre 1, 2013.

Ayon kay Santiago, habang isinisilbi ang warrant of arrest ng mga operatiba ay pu­ma­lag at nagpaputok si Fajar­do at dalawang kasama na nagbunsod ng barilan na ikinabulagta ng mga nasabing suspek.

Nagawa pang ma­isugod ang tatlo sa RJ Borja Memorial City Hospital pero kapwa idineklarang dead-on-arrival.

Ang grupo ni Fajardo ay sangkot umano sa mga pagpatay kaya nagtago sa Cagayan de Oro City matapos na maging mainit sa mga awtoridad. Sila ay natunton sa isang subdivision sa naturang lungsod matapos ang isang buwang surveillance operations ng pinagsanib na elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Force Unit (RFU)-10 sa pamumuno ni Col. Raymund Liguden, 103rd Special Action Force, Joint Task Force (JTF) Hunter ng 4th Infantry Division ng Phl Army at PRO 10.

Narekober sa lugar ang dalawang cal. 45 pistol, isang 357 revol-ver, IDs, gadgets at iba pang mga personal na kagamitan.

vuukle comment

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with