^

Probinsiya

Holdaper todas sa engkwentro

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Mistulang isang eksena sa pelikula ang naganap na habulan at engkwentro sa pagitan ng isang umano’y holdaper at pulisya na sa huli ay nauwi rin sa pagkamatay ng suspek matapos nitong dalawang beses na saksakin ang isang pulis kamakalawa ng gabi sa Barangay Halang, Naic.

Kinilala ang napatay na suspek na si Christopher Luiso ng B25, L8, Harbor Homes, Brgy. Halang, Naic, Cavite.

Sa ulat ni P/MSgt. John Paolo M. Mellona, may hawak ng kaso, alas- 6:45 ng gabi nang makatanggap sila ng tawag mula sa kapitan ng barangay na may nasukol silang holdaper subalit nakatakas.

Agad na nagresponde sa lugar sina P/SSgt. Angelio Pangilinan at Patrolman Mario Ularte, ng mobile patrol unit ng Naic Police at naabutan pa nila ang mga barangay officials na hinahabol ang suspek na si Luiso. Nakipaghabulan din ang dalawang pulis at naabutan nila si Luiso sa may panulukan ng Harbour Homes. Nang kanilang aarestuhin ang suspek ay biglang inundayan ng saksak si Ularte na mabuti na lamang at nakasuot ng visibility vest kung kaya hindi ito tumagos. Dito na napilitang barilin ni  Pangilinan ang suspek na tinamaan sa tagiliran. Sa kabila ng may tama, nagawa pa umanong sugurin at akmang sasaksakin ng suspek ang pulis kung kaya muli siyang pinaputukan.

Nauna rito, nangholdap umano ang suspek ng isang residente sa nasabing lugar.

vuukle comment

HOLDAPER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with