^

Probinsiya

Motor sumemplang, 2 pisak sa trak

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Dalawa ang patay nang sumemplang ang kanilang sinasak-yang motorsiklo matapos na sumagi sa kasabayang kotse at sa kasamaang palad ay nasagasaan pa sila ng paparating na truck sa kahabaan ng Trece-Indang Rd., Brgy. Inocencio, Trece Martirez City kahapon ng umaga.

Kapwa dead-on-arrival sa ospital ang mga biktima na sina Rogen Almoguera, 20-anyos at backrider nito na si Mark Romero, 22; kapwa cons­truction worker at residente ng Regina Ville 200, Brgy. Inocencio, Trece Martires City, Cavite. 

Hawak naman ng pulisya ang driver ng trak na si Sonny Reyes, 45, ng Brgy. Luciano Bitangan ng lunsod ding ito.

Sa ulat ni P/SSgt. Rene Bibon, dakong alas-7:10 ng umaga habang magkaangkas ang mga biktima sa Honda Wave motorcycle at bumabagtas sa naturang lugar nang bigla nilang masagi ang kotseng Toyota (ABH 9686) na minamaneho ni Merlyn Vida, 33, ng 18 Rizal St., Mendez, Cavite.

Dahil dito, hindi na nakontrol ni Almoguera ang motorsiklo sanhi upang sila ay sumemplang. Sumadsad sila sa daan at eksakto namang paparating ang Hino truck (SAF 165) na minama-neho ni Reyes kaya minalas na kapwa magulungan.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with