^

Probinsiya

Birthday boy nilamon ng dagat

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nasawi sa mismong araw ng kanyang kapanganakan ang isang 53-anyos na bina­ta matapos malunod habang naliligo sa dagat ng Sitio Mamangal, Brgy. Balite, Virac, Ca-tanduanes kamakalawa. Walang malay na isinugod ng mga rumespondeng tauhan ng Philippine Red Cross (PRC) sa Eastern Bicol Medical Center ang biktimang si Jose Naorbe Naman, residente ng Brgy.

Danicop pero idineklarang dead-on-arrival. Sa ulat, dakong alas-4:30 ng hapon kasama ang ilang kamag-anak at kaibigan ay naligo ang biktima sa dagat bilang bahagi ng selebrasyon ng kanyang kaarawan.

Gayunman, ilang sandali ay biglang nawala ang biktima kaya hinanap siya ng mga kasama at sa tulong ng mga rumespondeng PRC personnel ay natagpuan sa ilalim ng tubig ang una na agad isinugod sa ospital pero ‘di na umabot ng buhay.

vuukle comment

LUNOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with