^

Probinsiya

Criminology stude lasog sa truck

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang criminology student matapos na bumangga ang kanyang motorsiklo sa hulihang bahagi ng nakaparadang trak na puno ng lupa sa tabi ng kalsada sa Sabang-Milaor acces road sa Brgy. Mabolo sa Naga City, Camarines Sur kahapon ng umaga. Dead-on-the-spot dahil sa lakas ng pagkakabangga ang biktimang si Ryan Ray Margallo Avila, first year criminology student ng Naga College Foundation at residente ng Brgy. Pamukid, San Fernando.

Sa ulat, dakong alas-5 ng umaga nang makarinig ang mga residente ng malakas na kalabog. Gayunman, nang kanilang tingnan ay nakitang pumailalim ang motorsiklo kasama ang sakay na biktima sa hulihang bahagi ng trak.

Ayon sa mga saksi, posibleng hindi napansin ng biktima ang nakaparadang trak dahil may kadiliman sa lugar at posibleng mabilis din ang patakbo nito kaya hindi na nakaiwas. Kaugnay nito, binatikos ng mga residente ang mga driver ng trak na ginawa nang paradahan ang lugar sanhi ng madudugong aksidente.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with