^

Probinsiya

Trader utas sa ambush; mister, anak nakaligtas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Crime of passion

MANILA, Philippines – Patay ang isang negos-yanteng babae habang masuwerte namang nakaligtas ang mister at anak nitong menor-de-edad makaraang paulanan ng bala ng dalawang hindi pa nakilalang  mga armadong salarin na lulan ng motorsiklo sa naganap na ambush sa Purok Sandayong, Brgy.  Sto Niño, Pagadian City, Zamboanga del Sur nitong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang nasawing biktima na si Joraldine Simbahon, 22 residente ng Brgy. Banale ng nasabing lungsod.

Masuwerte namang hindi tinamaan sa pananambang ang mister nitong si Yahya Datumaas, 25 at kanilang menor-de-edad na anak na lalaki.

Sa ulat, sinabi ni Police Major Helen Galvez, nangyari ang insidente sa  highway ng nabanggit na lugar bandang alas -7:40 ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyang magkakaangkas sa Yamaha Mio 125 motorcycle ang negosyante, mister at anak nito nang pagbabarilin ng mga armadong salarin na riding-in-tandem.

Sa testimonya ng nasabing mister, hinarang sila ng mga suspek kung saan agad na pinuntirya ng pamamaril ng backrider na gunman ang kaniyang misis na napuruhan ng mga tama sa dibdib

Nagsitakas naman ang mga suspek patungo sa direksyon ng Brgy. Sto. Niño ng lungsod na ito.

Ang ginang ay mabilis na isinugod sa pagamutan pero idineklara na itong dead-on- arrival. Narekober naman sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

Pinaniniwalaan namang ‘crime of passion’ ang nangyaring krimen dahilan ang biktima ay hiwalay sa dati nitong asawa na siyang pa-ngunahing motibo ng krimen na iniimbestigahan ng mga awtoridad.

 

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with