^

Probinsiya

Pirmahan ng bagong PSA pinuri ng FPI

Pilipino Star Ngayon
Pirmahan ng bagong PSA pinuri ng FPI

MANILA, Philippines — Pinuri kamakailan ng Federation of Philippine Industries (FPI) ang matagumpay na pirmahan ng mga bagong power supply agreement (PSA) para sa mga kontrata ng supply ng Meralco na may kapasidad na 1,200 MW at 500 MW simula sa ika-26 ng Disyembre 2019.

Pinuri ni FPI President Jesus L. Arranza ang pir­mahan para sa karagdagang kapasidad at kanyang sinabi, “Tinatanggap ng FPI ang balita sa dagdag na power na ito na lubhang kailangan para matugunan ang lumalaking pangangailangan ng ating bansa. Tinatanggap namin ang pagpasok ng alin man at lahat ng generation companies na interesadong makaambag sa grid para lumikha ng mas ligtas na power supply situation para sa lahat ng industriya at mga customer.”

Nagpahayag ng suporta ang grupo sa Department of Energy (DOE) Circular na nag-uutos sa mga distributor ng kuryente sa bansa na bumili ng supply ng kuryente sa pamamagitan ng Competitive Selection Process (CSP). Ang CSP ay pinangasiwaan ng Third Party Bids and Awards Committee (TPBAC) na binuo alinsunod sa DOE Circular.

Ayon sa mga balita, dahil sa mga bagong PSA, tinatayang aabot sa P13.86 bilyon ang matitipid ng mga konsyumer kada taon o bawas singil na P0.41 kada kilowatt.

vuukle comment

MERALCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with