^

Probinsiya

Charger sumabog, ex-sekyu tigok

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Isang dating security guard ang natagpuang patay matapos umanong makur-yente dahil sa pagsabog ng charger ng kanyang cellphone sa bayan ng Lal-lo, Cagayan, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang nasawing biktima na si Rogelio Fontiveros, 57, at nag-iisang naninirahan sa kanyang tahanan sa Brgy. Centro, Lal-lo ng nasabing lalawigan.

Napag-alaman na pinuntahan ng kanyang kapatid na si Virginia Hermosora ang biktima sa bahay nito matapos na hindi makontak sa cellphone ng isa pa nilang kapatid na si Rogelio Fontiveros na nasa abroad noon pang Biyernes ng gabi.

Pero laking gulat ni Virginia nang dakong ala-1:45 ng hapon nitong Linggo nang madiskubre nito na wala nang buhay at nangangamoy na ang bangkay ng kapatid sa kanyang silid.

Batay sa isinagawang pagsusuri ni Dra. Visitacion Pablo, ang biktima ay nasawi matapos makuryente sa sumabog na charger ng kanyang cellphone na nakita pa ng mga awtoridad na nakasaksak sa isang extension wire sa loob ng kanyang kuwarto.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with