^

Probinsiya

Nasabat na mga baboy sa Pangasinan, may ASF

Cesar Ramirez - Pilipino Star Ngayon

LINGAYEN, Pangasi­nan, Philippines — Positibo sa African Swine Fever(ASF) ang mga baboy na nasabat sa lalawigang ito.

Ito ang sinabi ni Pangasinan Gov. Amado Espino III sa pulong balitaan kamakalawa sa tanggapan ng provincial disaster risk reduction and management council (PDRRMC).

Ayon kay Espino, sa kabila nang mahigpit nilang pagbabantay sa may 11 animal quarantine checkpoints sa mga major entry points ng lalawigan kasama ang pulisya ay may mga hog traders pa rin na nakalulusot sa pagdaan sa mga liblib na barangay.

Sinabi ni Espino na kalahati sa 30 blood samples na kinuha sa mga nakum-piskang baboy na agad na kinatay at ibinaon ay positibo sa virus o ASF. Ang mga blood samples na nagpositibo ay kinuha aniya sa mga nakum-piskang baboy sa Brgy. Balo-ling, Mapandan na galing sa Bulacan at sinasabing dinala ng hog traders na sina Roger Erpelo at Jaime Garcia, kapwa residente ng Brgy. Baloling.

Nilabag umano nina Erpelo at Garcia, ang kautusan ni Espino na pansamantalang “total ban” sa pagpasok ng mga buhay na baboy sa lalawigan.

Dahil dito, iniutos ni Espino ang pag-implementa ng 1-7-10 protocol ng Department of Agriculture (DA) at nakipag-ugnayan na sa pulisya na ikordon na ang Brgy. Baloling.

Nanawagan din ang gobernador sa mga alkalde, punong barangay at sa mga kalalawigan na lalong pag-ibayuhin ang pagbabantay partikular sa mga maliliit o inte­rior na daanan na maaaring gamitin ng ilang mapagsamantalang hog traders upang makapagpasok ng mga baboy galing sa mga lugar na idineklarang may ASF.

vuukle comment

ASF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with