^

Probinsiya

No. 1 most wanted, 22 pa nadakma sa Region 2

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
No. 1 most wanted, 22 pa nadakma sa Region 2
Nakilala ang nahuling akusado na si Nixon Guil­lermo, 49, ng Purok 2, Brgy. Alloy, Kasibu, Nueva Vizcaya at nasa listahan ng pulisya bilang number 1 most wanted ng Cagayan Valley.
File

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Isang itinuturing na top most wanted ng Cagayan Valley (Region 2) habang 22 iba pa kabilang ang 7 top most wanted ng municipal level ang nahulog sa kamay ng batas, ayon sa ulat kahapon.

Nakilala ang nahuling akusado na si Nixon Guil­lermo, 49, ng Purok 2, Brgy. Alloy, Kasibu, Nueva Vizcaya at nasa listahan ng pulisya bilang number 1 most wanted ng Cagayan Valley.

Ayon kay P/Capt. Melissa Gulan, hepe ng Kasibu Police, si Guillermo ay nadakip sa kanyang pinagtataguan sa Brgy. Namulandayan, Lupao, Nueva Ecija ng pinagsanib na puwersa ng Lupao Police, Nueva Vizcaya (NV) Intelligence Division, NV-CIDG at NV-Mobile Force Company sa pangunguna ni P/Lt. Col. Marvin Follante nitong Huwebes ng umaga.

Walang nirekomenda na piyansa para kay Guillermo base sa ipinalabas na warrant of arrest ni Executive Judge Paul Attolba Jr., presiding judge ng RTC-Branch 30 sa Bayombong dahil sa kasong tatlong bilang ng rape sa 12-anyos na pamangkin.

Samantala, 22 pang suspek kasama ang 7 top most wanted sa iba’t ibang bayan sa Cagayan ang nadakip ng Cagayan Police kamakalawa.

Kinilala ang pitong top most wanted sa municipal level na sina Jodel Juan, top 10 sa bayan ng Solana; Elizabeth Parallag ng Bal­lesteros, top 10; Edgardo Viloria Jr., top 4 mula sa bayan ng Gattaran; Dexter Ronquillo, top 9 sa bayan ng Amulung; Junior Umengan, top 5 ng Ballesteros; Jordan Martinez, top 10 ng Appari at Mede Catindoy, top 4 mula sa bayan ng Gattaran.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with