^

Probinsiya

Binata kumindat sa dalagita, arestado

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Isang binata ang ­inaresto matapos kindatan at pagsabihan ng maganda at seksi ang isang dalagita sa bayan ng Alcala, Cagayan, ayon sa ulat kamakalawa.

Kinilala ng Alcala Police ang naarestong suspek na si Ramil Zamora, 34, ng Brgy. Baculod, Alcala, Cagayan habang ang biktima ay itinago sa pangalang Ligaya, 16-anyos, ng nasabi ring bayan.

Sa ulat, dakong alas-4:45 ng hapon nitong Huwebes habang nakatayo ang dalagitang si Ligaya sa harapan ng isang motor shop sa nasabing lugar nang dumating ang suspek at kinindatan nang may malisya ang una sabay sabi sa Ilocanong salita--“Nagpintas ka man, nag-sexy ka pay (Ang ganda mo naman at seksi pa).”

Dahil sa may malisya umano ang tingin at salita ng suspek ay agad siyang isinuplong ng dalagita sa mga awtoridad na nagresulta sa agad nitong pagkadakip.

Ang suspek ay nahaharap sa paglabag sa Republic Act 11313 o ang “Bastos Law.”

vuukle comment

ARESTADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with