^

Probinsiya

‘Tulak’ na killer ng 19-anyos, 1 pa bulagta sa shootout

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Kapwa patay ang isang talamak na tulak na siya ring itinuturong suspek sa tangkang panggagahasa at pagpatay sa 19-anyos na dalaga, at isa pang pusher sa mag­kahiwalay na drug ope­rations ng pulisya sa Meycauayan at San Jose del Monte City, sa lalawigan, iniulat kahapon.

Kinilala ni P/Lt. Col Aquino Olivar, hepe ng Meycauayan City Police, ang napatay na suspek na si Jomari Satur dela Peña alias Tomtom, 25, binata ng Maligaya St. Brgy. Pajo ng nasabing siyudad. Siya ang itinuturong res­ponsable sa pagpatay sa estudyanteng si Lezzel Jadlos ng No. 426 Maligaya St., Brgy. Pajo ng nasabi ding siyudad noong Setyembre 22, 2019 dakong alas-12:30 ng madaling araw matapos na pasukin nito ang kuwarto ng biktima. Nanlaban at nagsisigaw ang biktima nang pagtangkaan siyang halayin ng suspek kung kaya siya pinagsasaksak ng kitchen knife.

Narekober sa lugar ang isang cal .38 revolver, 11 plastic sachet ng shabu at buy-bust money.

Samantala, napatay din sa San Jose del Monte City kamakalawa ng madaling araw ang umano’y tulak na si Emmanuel Cabantog ng Caloocan City sa buy-bust sa Brgy. Gaya-Gaya ng nasabing siyudad. Narekober dito ang 3 plastic sachet ng shabu, isang cal .9mm pistol at buy-bust money sa lugar.

vuukle comment

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with