^

Probinsiya

Salisi Gang na dumale sa pari, tiklo

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

TALAVERA, Nueva Ecija, Philippines — Inaresto ng pulisya ang isang bababe na hinihina­lang miyembro ng “Salisi Gang”  matapos isumbong sa pulis­ya ng isang pari na ninakawan nito ng ma­mahaling gadget sa loob ng San Isidro Pa-rish sa Brgy. Maes­trang Kikay kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Lt. Col. Alexie A. Desamito, hepe ng Talavera Police Station, ang arestadong suspek na si Virginia De Vera, 54, dalaga ng Brgy. Poblacion Norte, Science City of Muñoz.

Sa imbestigasyon, nakunan ng CCTV sa loob ng simbahan ang pagpasok ng suspek sa kuwarto ni Rev. Father Dean Jerome Cruz, 30, parish priest sa natu-rang parokya at doon kitang-kita umano ang pagtangay ng suspek sa Samsung Galaxy Tablet ng pari.

Nabatid na naibenta na ng suspek ang naturang gadget sa naturang bayan. Ang suspek ay sinampahan na ng kaso.

vuukle comment

SALISI GANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with