^

Probinsiya

2 dating pulis tiklo sa droga

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
2 dating pulis tiklo sa droga
Ang dating pulis na si Paul Jason Sanchez.
Kuha ni Maria Cristi­na Go Timbang

MANILA, Philippines – Dalawang dating pulis na sangkot umano sa pagtutulak ng bawal na gamot ang nadakip sa magkakahiwalay na operasyon ng mga tauhan ng Philippine National Police at ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Cavite at Albay kamakalawa.

Sa isang buy-bust operation sa Barangay Banaba Cerca, Indang, Cavite kamakalawa ng gabi, nasakote ng pinagsanib na puwersa ng Indang Police at PDEA si Paul Jason Sanchez, 35, dating miyembro ng PNP na nag-AWOL (absent without leave) mula noong Nobyembre 2015 makaraang masangkot sa droga.

Sa nakalap na ulat mula kina P/SSg. Karl Marty Manzilla at Pat.  Mark Anthony Nga ng Drug Enforcement Team Operatives ng Indang Municipal Police Station, ilang araw na minatyagan ng pulisya si Sanchez at nang matiyak na nagtutulak ito ng droga ay ikinasa nila ang buy- bust operation.

Nakuha kay Sanchez ang ilang piraso ng sachet na naglalaman ng hindi pa mabilang na shabu at mga drug paraphernalias at buybust  money na ginamit.

Samantala, isang dating miyembro ng Sorsogon Police na si Zandro Nebria Oscilla­da, 47, ang naaresto ng magkasanib na puwersa ng Daraga Police at PDEA ang nadakip sa isang buy-bust ope­ration sa Daraga, Albay kamakalawa ng hapon. 

Si Oscillada ay dating miyembro ng Sorsogon Police na natanggal sa serbisyo noong 2005 makaraang mag-AWOL.

Itinuturing si Oscillada na isang high value target. Hindi na siya nakapalag nang dakmain ng mga awtoridad sa buy bust operation. Nakuha sa kanya ang limang sachet ng shabu at buy-bust money. Jorge Hallare

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with