^

Probinsiya

Jeep nadaganan ng trak: 3 patay

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LOPEZ, Quezon, Philippines – Namatay ang tatlo katao kabilang ang isang 5-anyos na batang lalaki makaraang madaga­nan ng truck ang kanilang sinasakyang passenger jeep sa diversion road na sakop ng Brgy. Danlagan, sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan ang mga biktimang sina Cascmer Balindog, Joy Quintao, 36, mga residente ng Camarines Norte at ang driver na si Arden Erivera, 43, ng Gumaca, Quezon.

Ginagamot naman sa Magsaysay District Hospital sanhi ng tinamong mga sugat sa katawan si Francisco Balinado, 36, ng Camarines Norte.

Ayon sa ulat ng pulisya, binabagtas ng passenger jeepney (DFZ-895) ni Erivera ang diversion road dakong alas-4:30 ng hapon at sakay ang iba pang biktima nang madaganan ito ng Manila bound na Mitsubishi truck (NBQ-5280) na minamaneho ni Randy Resos ng Muntinlupa.

Nagmistulang nayuping lata ang jeep nang madaganan ng trak na naging sanhi ng agarang kamatayan ng tatlong biktima.

Bago ang aksidente, nakita ang trak na mabilis ang takbo at nag-overtake sa isang sasakyan hanggang sa magpagewang-gewang at tumumba sa jeep.

Sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide and serious  physical injury and damage to property ang driver ng trak na nakapiit sa municipal jail. Joy Cantos

 

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with