^

Probinsiya

Top 1 most wanted, 1 pa utas sa shootout

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Bulagta ang dalawa katao kabilang ang isang tinaguriang top 1 most wanted person dahil sa pagiging lider ng criminal group makaraang kapwa manlaban sa magkasunod na ope­rasyon ng pulisya sa General Trias City kamakalawa.

Sa ulat, dakong alas-11:00 ng umaga, nilusob ng dalawang team ng Gen. Trias City Police ang Tropical Village, Pabahay 2000, Brgy. San Francisco kung saan unang target ang suspek na si Oliver Morris Cornejo sa buy-bust operation. Pero habang nasa negosasyon, nakahalata umano ang suspek na pulis ang katransaksyon kaya pina­putukan ang mga operatiba sanhi ng shootout hang­gang sa tumimbuwang si Cornejo.

Sa nasabi ring lugar, napatay din ang 2nd target na si Reynaldo Jamarol Salamat, lider umano ng “Salamat Criminal Group” at may kasong murder. Aarestuhin na sana si Salamat pero nanlaban kaya pinaputukan ng mga pulis. Nakuha mula sa kanya ang isang cal. 45 pistol.

vuukle comment

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with