^

Probinsiya

Motorbike bumangga sa puno: 3 patay

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Motorbike bumangga sa puno: 3 patay

NORTH COTABATO - Tatlo katao ang nasawi kabilang na ang isang menor-de-edad matapos na bumangga ang sinasak­yan nilang motorsiklo sa punongkahoy sa Brgy. Singkatulan, Makilala, lalawigang ito kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang mga nasawi na sina Ruel Tolintino Laureta, nasa hustong gulang, magsasaka ng Pulanglupa, Mlang, North Cotabato; Jonathan Soyat Doceo, 17-anyos at Garry De Asis, 35; kapwa nakatira sa Brgy New Janiway, Mlang, North Cotabato.

Sa imbestigasyon ng Makilala Police Traffic Section, dakong ala-1:30 ng ma­daling araw habang binabagtas ng Kawa­saki Bajaj motorcycle na minamaneho ni Laureta ang national highway patungong Mlang sakay ang dalawa pang biktima nang pagsapit nila sa naturang lugar ay sinubukang mag-overtake sa isa pang motorsiklo pero nang mapansin ng una na may kasalubong na isa pang sasakyan, kinabig nito ang manibela pabalik hanggang sa mawalan na siya ng kontrol at bumangga sila sa puno ng Talisay.

Nagtamo ng matitinding pinsala sa katawan ang mga biktima sanhi ng kanilang agarang kamatayan.

Pauwi na sana ang mga biktima sa Mlang nang maganap ang insidente.

Na­pag-alamang lasing sa alak ang nasabing drayber.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with