^

Probinsiya

3 ‘tulak’ bulagta sa shootout

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Tatlong hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na droga ang napatay ng mga otoridad sa magkakahiwalay na drug operation sa lalawigang ito kamakalawa at kahapon ng madaling araw.

Sa bayan ng San Ildefonso, napatay si Ben Angelo Tacadena, matapos na manlaban sa mga pulis sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Maasim dakong alas 4:00 ng umaga. Narekober dito ang isang cal .38 revolver, anim na plastic sachet ng shabu at buy-bust money.

Sa bayan ng San Rafael, dakong alas-4:30 ng mada­ling-araw nang mapatay ang isang alias “Tonio” sa isina­gawang buy-bust sa Brgy. San Roque. Nabawi dito ang isang cal .38 revolver, 8 plastic sachet ng shabu at buy-bust money.

Napatay din sa Plaridel si Melvin Padojelaga, 20, ng Brgy. Sta. Ines matapos na makipagbarilan sa mga pulis sa buy-bust operation sa Sitio Dapdap, Brgy. Banga 1st dakong ala-1: 20 kahapon ng madaling araw. Narekober dito ang isang cal .38 revolver, 16 plastic sachet ng marijuana at buy-bust money.

Samantala, 23 pa ang inaresto ng mga otoridad kahapon ng madaling araw, kabilang dito ang 9 na adik na nahuli sa aktong humihitit ng shabu sa pinaigting na operasyon ng Bulacan Police. Natimbog din ang pitong wanted persons na nahaharap sa iba’t ibang kasong kriminal at pito pang lalaki na naaktuhang nagsusugal ng tong-its at cara y cruz.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with