^

Probinsiya

Bulacan buy-bust: 4 ‘tulak’ utas, 23 timbog

Joy Cantos, Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Bulacan buy-bust: 4 �tulak� utas, 23 timbog
Kinilala ni P/Lt. Col. Orlando Castil Jr., hepe ng pulisya, ang apat na napatay na sina John Frederick Mallo; Eugenio Lopez, 39-anyos ng Blk. 14, Lot. 5, Brgy. San Rafael 1, San Jose del Monte City, Bulacan; isang alias “Van” at isang alias “Jay”.
File

SAN JOSE DEL MONTE CITY, Philippines — Apat na hinihina­lang tulak ng ipinagbabawal na droga ang napatay ng mga awtoridad habang 23 pa ang naaresto sa isi­nagawang magkakasunod na buy-bust operation sa Bulacan kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/Lt. Col. Orlando Castil Jr., hepe ng pulisya, ang apat na napatay na sina John Frederick Mallo; Eugenio Lopez, 39-anyos ng Blk. 14, Lot. 5, Brgy. San Rafael 1, San Jose del Monte City, Bulacan; isang alias “Van” at isang alias “Jay”.

Napatay si Mallo sa Brgy. Gaya-gaya, SJDM dakong alas-12:45 ng madaling araw matapos umanong manlaban sa buy-bust ng mga pulis. Nakuha sa suspek ang isang cal .9mm pistol, 9 na plastic sachet ng shabu at buy-bust money.

Sina Lopez, alias Van at alias Jay ay napatay naman sa Brgy. San Rafael, SJDM dakong ala-1:40 ng madaling araw matapos na pumalag at makipagbarilan sa drug operation ng mga pulis. Nabawi sa tatlong tumimbuwang ang 19 plastic sachet ng shabu, dalawang improvised shotgun o sumpak, isang cal .38 revolver, improvised tooter at buy-bust money.

Samantala, 23 katao pa na umano’y tulak ng droga ang naaresto ng pulisya sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa siyudad ng San Jose del Monte, San Miguel, Bocaue at Sta. Maria. Nabawi sa mga suspek ang 15 plastic sachet ng shabu, mga drug paraphernalia at buy-bust money.

vuukle comment

BUY BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with