^

Probinsiya

Pinsan kinatay dahil sa kahoy

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Halos magkahiwa-hiwalay ang katawan ng isang la­laki nang pagtatagin ng mismong pinsan nito gamit ang itak makaraang mag-away ang dalawa dahil lamang sa kahoy na gagamiting panghaligi sa Brgy. Gumasa, Glan, Sarangani Province, iniulat kahapon.

Kinilala ang nasawing biktima na si Remli Sabnal, nasa hustong gulang habang arestado ang suspek na si Randy Tara, kapwa ng Brgy. Gumasa, Glan, Sarangani Province.

Sa ulat ng Glan Municipal Police, bandang alas-12:00 ng hatinggabi ng Biyernes nang maganap ang insidente sa nasabing lugar.

Bago ang insidente, magkasama pang nag-inuman ang dalawa sa isang birthday party ng kanilang kaanak. Pagsapit ng hatinggabi, nagpasyang umuwi ang dalawa sa kanilang bahay. Habang naglalakad, nasabi ni Sabnal na kukunin niya ang kahoy sa may pugon para gawin niyang haligi sa itatayo nitong bahay.

Dahil dito, nagalit ang suspek sa sinabi ng pinsan kaya’t hinugot nito ang dalang itak at pinagtataga ang huli sa ulo, likod at bewang na agad nitong ikinamatay.

Tumakas ang suspek matapos ang krimen pero kalaunan ay nadakip sa follow-up operation ng mga awtoridad.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with