^

Probinsiya

Parak nabaril ng lady cop sa drug ops

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang bagitong parak ang nasapol ng bala sa tiyan makaraang aksidenteng pumutok ang ikinasang baril ng kasamahang babaeng pulis na miyembro ng anti-drug unit habang nasa drug operation sa San Pedro City, Laguna kamakalawa.

Sa ulat ni Laguna Provincial Police Office (PPO)Director Police Colonel Eleazar Matta, kinilala ang pulis na si Patrolman Audrey Reyes, 30, may asawa at nakatalaga sa San Pedro City Police Station na nilalapatan na ng lunas sa Perpetual Help Hospital sa Biñan City.

Ang responsable naman sa pagkakabaril kay Reyes ay si Patrolwoman Shalimar Gammaru.

Sa ulat, alas-12:45 ng ma­daling araw, kagagaling lamang ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit (DEU) kasama ang biktima sa anti-drug operation nang pansamantalang mamahinga umano sila sa may #435 Quezon Street Putol, Brgy. San Antonio. Gayunman, aksidente umanong naikasa ng lady cop ang kanyang 9mm Glock pistol na pumutok at tumama sa tiyan ng biktima.

vuukle comment

DRUG OPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with