3 terorista tiklo sa Lanao del Sur
MANILA, Philippines – Tatlong pinaghihinalaang miyembro ng mga local terrorist group ang nasakote ng tropa ng mga sundalo sa isinagawang operasyon sa Brgy. Paridi, Piagapo, Lanao del Sur nitong Miyerkules .
Sa report, kinilala ni Captain Clint Antipala, tagapagsalita ng Army’s 1st Infantry Division (ID) ang mga nasakoteng terorista na sina Janla Tangolo at Kamarudin Sultan, pawang 20-anyos; at Arapat Tangolo, 22.
Bandang alas- 5 ng umaga, ayon sa opisyal nang masakote ng pinagsanib na elemento ng Army’s 49th at 82nd Infantry Battalion ang nasabing mga terorista sa nasabing lugar.
Narekober mula sa mga ito ang dalawang M14 at Bushmaster 5.56 assault rifles, isang cal 38 pistol, magazines, mga bala at bandoliers .
Sinabi ni Brig. Gen. Romeo Brawner Jr., 10rd Infantry Brigade Commander, ang pagkakasakote sa nasabing mga terorista ay alinsunod sa pinaigting na operasyon ng militar na determinado sa misyon sa peace and order sa mga komunidad.
“We are glad that after Marawi Siege and series of encounters with the local terrorist groups, we received more reports from the communities regarding enemies or armed group presence”, ani Brawner.
- Latest