^

Probinsiya

‘Pusher’ todas sa buy-bust

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines – Tumimbuwang ang isang sinasabing kilabot na ‘tulak’ ng droga matapos manlaban sa mga otoridad sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan City Drug Enforcement Unit (CDEU), kamakalawa ng hapon sa Purok 7, Sta. Teresa, Brgy. Dalahican.

Sa ulat ni PLt.Col.Reydante Ariza, chief of police dito, kinilala ang napaslang na drug suspect na si Arellano Martinez, alyas “Zander”/ “Tisoy”, 43, binata at kabilang sa drug watch list ng barangay.

Isinagawa ang buy-bust operation laban sa suspek dakong alas-4:30 ng hapon makaraang magpositibo ang ulat sa Community Mobilization Program (CMP) tungkol sa ilegal na gawain ng una.

Nang mabilhan ng droga ng pulis na tumayong buyer ang suspek ay nakahalata ito at mabilis na tumakbo at nagpaputok ng kanyang kalibre .38 revolver, gayunman ay tumimbuwang nang gantihan ng mga otoridad.

Tatlong sachet pa ng shabu at P500 marked money ang na-recover mula sa bulsa ng pantalon ng suspek.

vuukle comment

PUSHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with