^

Probinsiya

Reso sa Espino ambush, inilabas

Cesar Ramirez - Pilipino Star Ngayon

LINGAYEN, Pangasinan, Philippines — Isang resolusyon ang ipinasa kahapon ng Sangguniang Panlalawigan (SP) dito sa kanilang regular na ses­yon na kumokondena sa tangkang pagpatay kay dating Panga­sinan Governor Amado Espino, Jr. na ikinasawi ng dalawa nitong bodyguard noong nakaraang linggo sa lungsod ng San Carlos.

Sa resolusyon na inakda ni Vice Gov. Mark Lambino na sinang-ayunan ng lahat ng mga board members, inihayag ng SP ang kanilang pagkondena sa naturang pananambang sa convoy ni Espino na nagresulta sa pagkakasugat nito at dalawang kasamahan habang minalas na nasawi sa insidente ang kanyang dalawang escort.

Nakapaloob din sa reso­lusyon ang panawagan sa pambansang pulisya at iba pang law enforcement agencies na agarang resolbahin ang naturang kaso, alamin ang posibleng motibo sa pamamaril, at mahuli ang mga salarin

Samantala, ipinasa rin ng SP ang dalawang resolusyon ng pakikidalamhati sa mga naulilang pamilya nina Police S/Sgt Richard Esguerra at drayber bodyguard na si Agapito Cuison na kapwa nasawi sa pananambang.

Nagsasagawa pa rin ng masusing pagsisiyasat ang binuong task force hinggil sa naturang kaso.

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with