^

Probinsiya

Titser na ‘tulak’ tiklo sa buy-bust

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Arestado ang isang 38-anyos na public school elementary teacher na suma-sideline umano sa pagtutulak ng droga matapos mabentahan ng shabu ang isang pulis sa buy-bust operation ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulisya sa Purok-1, Brgy. Balza sa bayan ng Malinao, lalawigang ito noong Linggo ng hapon. Hindi na nakapalag matapos na posasan ng mga pulis ang suspek na si Ramon Cardeño Cuya, guro ng Tiwi Central Elementary School at residente ng Purok-5, Brgy. Gajo, Tiwi.

‘Sa ulat, dakong alas-3:10 ng hapon, ikinasa ng pinagsanib na puwersa ng PDEA, Malinao Police at Tiwi Police ang buy-bust operation laban sa suspek matapos ang ilang araw na surveillance at test-buy operation laban sa kanya.

Nang iabot ng suspek ang biniling droga sa kaharap na pulis na nagsilbing poseur buyer ay agad naglabasan ang mga operatiba at inaresto ang una. Nakuha mula sa suspek ang apat na medium size na plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P68,000.

vuukle comment

BUY BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with