^

Probinsiya

Bgy. Chairman itinumba

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Pinabulagta ng ‘di pa nakilalang gunman ang isang punong barangay habang papunta sa kanyang sakahan sa Sitio Dima, Lower Paatan sa bayan ng Kabacan, dito noong Sabado ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Ben Ilisan Kandanganan, 43-anyos, may asawa at kapitan ng Brgy. Lower Paatan ng nasabing bayan.

Batay sa ulat,  dakong alas-8:00 ng umaga habang sakay ang punong barangay sa kanyang motorsiklo papunta sa sakahan upang tingnan ang aanihing palay nang biglang sumulpot sa lugar ang isang armadong suspek saka siya pinagbabaril. Nagtamo ang biktima ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng pagpatay sa biktima. 

vuukle comment

BGY. CHAIRMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with