Cafgu, stude dedo sa road mishap
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Nasawi ang isang miyembro ng Cafgu at isang estudyante matapos dumausdos ang kanilang mga motorsiklo sa magkahiwalay na aksidente sa Echague, Isabela at Tuao, Cagayan kamakalawa.
Sa report ng pulisya, kapwa pauwi nang mawalan ng kontrol sa sasakyan ang Cafgu na si Melvin Navarra, 23-anyos, at si Jose Fernando Accad, 18-anyos, matapos mabigong kalkulahin ang kurbada sa magkasunod na sakuna sa Brgy. Garit Norte, Echague at Centro 1, Tuao, ayon sa pagkakasunod.
Kapwa patay nang mairating sa District Hospital ng Echague at Tuao ang dalawang biktima.
- Latest