^

Probinsiya

Wanted utas sa checkpoint

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumulagta ang isang lalaki na wanted sa batas makaraang makipagbarilan sa arresting team sa Barangay Mahayag, Davao City, Sabado ng umaga. Kinilala ang napatay na si Basilio Monteroso Abrigoso, 46-anyos at residente ng Piatos, San Isidro, Davao City. Sa ulat, alas-8:30 ng umaga ng makatanggap ng impormasyon ang pulisya hinggil sa presensya ng suspek na dadalo ng piyesta sa lugar. Si Abrigoso ay may warrant of arrest sa kasong homicide na inisyu ni Judge Ronald Tolentino ng Regional Trial Court 11 Branch 52. Agad na naglatag ng checkpoint ang pulisya sa pangunguna ni P/Maj. Noel Villahermosa sa Liloan, Mahayag na pinaniniwalaang dadaanan ng suspek. Dumating naman ang suspek at nang makita ang mga pulis ay agad siyang umiwas dahilan para mahulog sa canal ang sinasakyang motorsiklo at ang angkas nito. Agad silang nilapitan ng mga pulis, pero sa halip na sumuko ay pinaputukan ng suspek ang mga pulis na ikinasugat ni P/Corporal Joel Villegas. Mabilis na tumakas ang suspek sanhi ng habulan at nakipagbarilan pa siya ng putok sa mga pulis hanggang sa mapuruhan siya ng bala sanhi ng kanyang kamatayan. 

vuukle comment

CHECKPOINT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with