^

Probinsiya

13 bgy. sa Zamboanga City nalubog, 4K katao inilikas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
13 bgy. sa Zamboanga City nalubog, 4K katao inilikas
Agad na rumesponde ang mga kagawad ng Philippine Coast Guard AFP, PNP at Bureau of Fire Protection at sinagip ang mga residente na nalubog sa baha sa Zamboanga City noong Biyernes.
PCG

MANILA, Philippines — Umaabot sa 13 barangay sa lungsod ng Zamboanga ang lubog sa baha sanhi ng malalakas na pag-ulang dulot ng bagyong Marilyn, ayon sa ulat kahapon.

Sinabi ni Police Regional Office (PRO) 9 Spokesperson Police Major Helen Galvez, nasa 65 kabahayan ang naapektuhan ng mga pagbaha  at nasira kabilang ang isang mosque.

Dahil dito, nasa 598 pa­milya o mahigit 4,000 residente sa lugar ang inilikas sa mga evacuation centers.

Ayon sa mga residente, nagulantang na lamang sila sa pagragasa ng tubig sa kanilang mga barangay na nagsimula nitong Biyernes dahil sa nasabing bagyo.

Nagsagawa na ng relief and rescue operations sa mga apektadong lugar ang Zamboanga City Police sa pangunguna ni P/Col. Joseph Martir katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard at lokal na pamahalaan.

Ipinagbabawal pansamantala ang mga aktibidad sa karagatan partikular na ang pangingisda upang maiwasan ang panganib. 

vuukle comment

FLOOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with