^

Probinsiya

Senglot nanampal ng pulis, arestado

Raymund Catindig, Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela – Isang 22-anyos na binata ang nahimasmasan sa loob ng kulungan matapos niyang sampalin ang isang pulis na umaawat sa kanyang kalasingan sa Barangay Centro Uno, Claveria, Cagayan, kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Alwin Elvinia, isang mangi­ngisda at residente ng Babu­yan Claro, Calayan, Cagayan.

Napag-alaman na dakong alas-5:15 ng hapon nang madatnan ni Darwin Botiong, 45, isang mangi­ngisda at residente ng Centro Uno, Claveria si Elvinia at mga kaibigan nito na nag-iinuman sa kanyang kubo na malapit sa dalampasigan ng dagat.

Agad na sinita ni Botiong ang mga nag-iinuman pero dahil sa kalasingan, bumunot ng kutsil­yo ang suspek kung kaya’t minabuti ng una na tumawag ng pulis. Agad namang duma­ting ang mga operatiba sa lugar subalit sa halip na tumigil ang suspek sa pagwawala ay bigla umano niyang sinampal ang isa sa mga umaawat sa kanya na si P/SSgt. Erwin Abuzo ng Claveria Police Station. Bunsod nito, agad na inaresto ang suspek. 

vuukle comment

LASING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with