^

Probinsiya

Walang ISIS sa Bulacan - Bersaluna

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Walang ISIS sa Bulacan - Bersaluna
Iniimbestigahan na ni Bersaluna kung paano nagkaroon ng lapses sa communication and security sa kanyang tanggapan matapos magsimulang kumalat sa social media ang isang nasabing draft lamang at “for police personnel only” na “unsigned memorandum” na nagsasabing may mga ISIS affiliates galing Tuguegarao ang kumikilos patu-ngong Bulacan.
File

MALOLOS CITY, Philippines — Siniguro ni Bulacan Police Director Col. Chito Bersaluna sa mga Bulakenyo ang kaligtasan ng lahat dahil wala umanong katotohanan ang nag-leak na report na presensiya ng ISIS terrorists sa lalawigan.

Sinabi ni Bersaluna na wala ring dahilan para maalarma at mag-panic ang sino man. 

Iniimbestigahan na ni Bersaluna kung paano nagkaroon ng lapses sa communication and security sa kanyang tanggapan matapos magsimulang kumalat sa social media ang isang nasabing draft lamang at “for police personnel only” na “unsigned memorandum” na nagsasabing may mga ISIS affiliates galing Tuguegarao ang kumikilos patu-ngong Bulacan.

Nakasaad dito na nagtatago umano sa mga sasakyang lulan ang mga troso na bumibiyahe papunta sa Bulacan ang nasabing mga ISIS affiliates. Nakasaad din sa memorandum na target umano ng nasabing grupo ang religious communities, ang Simbahang Katolika at iba pang simbahan.

Gayunman, naka-full alert ang Bulacan dahil sa okasyon nitong weekend ng Iglesia Ni Cristo sa Philippine Arena sa Bocaue at sa taunang Singkaban Festival.

Pawang “hoax” lamang umano ang napabalitang dalawang magkaibang bomb threat noong Lunes sa Bulakan at Norzagaray.

vuukle comment

ISIS TERRORISTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with