^

Probinsiya

Kagawad, gunman todas sa ambush

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Napaslang ang isang barangay kagawad makaraang tambangan at pagbabarilin ng apat na salarin lulan ng motorsiklo habang napatay din ang isa sa mga gunmen nang makaganti ng putok ang una sa Calbayog City, Samar kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasa- wing biktima na si Bara­n­gay Carmen Kagawad Simeon Tarrayo, 51-anyos na agad nasawi sa lugar dahil sa mga tama ng bala sa katawan. Ina­a­lam naman ang pagkaka-kilanlan ng isang suspek na nagawang mabaril at mapatay ni Tarrayo bago siya binawian ng buhay.

Sa ulat, alas-4:56 ng hapon, kasalukuyang lulan ng motorsiklo ang nasabing kagawad nang dikitan at puntiryahin ng pamamaril ng apat na mga armadong salarin sa kahabaan ng Purok 1, Brgy. Dagum. Sumemplang ang biktima pero sa kabila ng kanyang mga tama ng bala ay nagawa rin nitong makabunot ng baril at putukan ang isa sa mga suspek na agad nasawi.

Mabilis na nagsitakas ang mga suspek at ina­bandona ang bangkay ng kanilang kasamahan.

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with